Isa ng ganap na second lieutenant ng Philippine Army ang singer na si Ronnie Liang.

Nagtapos kasi ang singer ng kaniyang military training sa Armor “Pambato” Division (AD) sa Philippine Army noong Pebrero 14.

Sa kaniyang social media account makikita ng pagtanggap nito ng black beret mula kay AD commander Major General Robert Dauz.

Sinabi ng singer na bukod sa pagsasanay sa Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) ay marami itong naging kaalaman sa pagiging reservist gaya ng battle drills, armored vehicle defensive driving at raid mission training.

Itinuturing nito na isang “humbling experience” ang pinagdaanan nitong training.

Bilang reservist ay nagsimula siyang nagboluntaryo para sa Army noong 2018.

Naging inspirasyon nito na pumasok sa pagkasundalo ang naganap na Marawi Siege noong 2017.