Masayang ibinahagi ng Spanish singer na si Marc Anthony na ito ay engaged na sa nobyang si Nadia Ferreira.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ang 53-anyos na singer kung saan hawak ang kamay ng 23-anyos na dating Miss universe Paraguay contestant at may suot itong engagement ring.
Isinagawa aniya ang pag-alok nito ng kasal sa isang party sa Miami.
Ang engagement ay isinagawa matapos ang halos dalawang buwan ng inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon at isang buwan ng umamin din ang dating asawa ni Marc na si Jennifer Lopez na engaged na rin ito sa actor na si Ben Affeck.
Ito na ang pang-apat na engagement ni Marc na ang tatlo ay nagtapos sa kasal subalit nag-divorce din.
Unang ikinasal ito kay 1993 Miss Universe Dayanara Torres at actress Shannon De Lima.