-- Advertisements --

Kinumpirma ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, na kabilang sa kanilang testigo ang kontrobersiyal na si Mary Grace Piattos.

Sa isang panayam sinabi ni Chua na si Piattos ay isang material witness at aabangan nila ang pagdalo nito sa trial.

Ayon kay Chua na maari din naman na maging common witness si Piattos kaya hamon nila sa depensa ilabas ang totoong Mary Grace Piattos.

Batay sa pre-trial brief ng prosecution, pang 25 testigo si Piattos partikular sa isyu ng confidential funds.

Ang pangalan ay naging kontrobersyal matapos sabihin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala silang natagpuang kaukulang civil registry record para rito, bagay na nagdulot ng mga tanong tungkol sa pagiging lehitimo ng ilang acknowledgment receipts.