-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Venezuela matapos ang magnitude 7.2 at 7.5 na lindol na yumanig sa naturang bansa.

Ayon sa Pangulo, kaisa ng sambayanang Pilipino ang mamamayan ng Venezuela sa pagharap sa trahedya. 

Ipinahayag din niya ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

Umaasa rin si Pangulong Marcos sa kaligtasan ng mga naapektuhan at sa mabilis na pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng lindol.

Batay sa mga ulat, hindi bababa sa 32 katao ang nasawi, mahigit 700 ang nasugatan, at malawak ang pinsalang iniwan ng lindol sa mga gusali at komunidad.