-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ni US President Joe Bideng ang singer na si Elton John dahil sa kontribusyon nito sa musika.

Nagtanghal kasi sa White House ang British singer na siyang unang ginawa niya mula pa noong 1998.

Napahanga nito nasa 2,000 na bisita na nanood sa White House na kinabibilangan ng mga guro, nurses, ilang pulitiko at mga LGBTQ advocates.

Pagkatapos ang kaniyang pagkanta ay iginawad ni Biden ang National Humanities Medal.

Magugunitang nasa farewell tour na ang 75-anyos na singer matapos ang mahigit 50-taon nito sa pagkanta.