Hinikayat ng veteran singer Dolly Parton ang mga fans na magputurok na ng bakuna laban sa COVID-19.

Nagpapaturok na kasi ito sa Vaderbilt University Medical Center sa Nashville.

Ang lahat ng proseso ay kaniyang nai-video ay ipinost sa kaniyang Twitter account.

Kinanta pa nito ang sikat niyang awitin na “Jolene’ kung saan pinalitan niya ng lyrics ng “vaccine, vaccine.. “.

Ayon pa sa country singer na huwag dapat matakot na magpaturok ng bakuna laban sa nasabing virus.

-- Advertisement --

Dagdag pa nito na hinintay niya ang pagkakataon mula pa noong Disyembre para ito ay maturukan.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nagbigay siya ng $1 milyon na donasyon para sa COVID-19 research sa kumpanyang Moderna.