-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Hindi palalampasin ng Cataingan, Masbate, ang isasagawang simultaneous online earthquake drill ngayong araw.
Ang naturang bayan ang epicenter ng tumamang magnitude 6.6 na lindol sa island province.
Ayon kay Mayor Felipe Cabataña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking oportunidad ito para madagdagan ang kaalaman ng lahat sa mga dapat gawin sa tuwing may lindol.
Sa mga nagdaan kasi aniyang pagyanig, maoobserbahan na halos karamihan ay nagpa-panic o natataranta at hindi alam kung ano ang gagawin.
Hinikayat din ni Cabataña ang publiko na lumahok sa event para mapaghandaan at maiwasan ang anumang aksidente o disgrasya.
Samantala, isasagawa ang drill sa pamamagitan ng Zoom na magsisimula alas 2:00 ng hapon ngayong araw.