Aprubado na sa ikatlo at final reading sa senado ang panukalang batas na magiging mandatory na ang SIM registration.
Sa botong 20-0-0 boto ay naipasa na ang Senate Bill 1310 or the Act Mandating the Registration of Subscriber Identity Module (SIM) for Electronic Devices, Regulating for this purpose its Registration and Use.
Noong nakaraang linggo rin ay naipasa ang nasabing panukalang batas sa ikalawang pagbasa.
Nakasaad sa nasabing panukalang batas na ang mga end-users ay nirerequire na irehistro ang kanilang SIMS ng public telecommunications entities (PTEs) bago ang activation nito.
Habang lahat aniy ng mga SIM subscribers na may aktibong services ay dapat irehistro ang kanilang sim sa loob ng 180 araw mula ng maging epektibo ang nasabing batas.
Maaring palawigin din naman ng Department of Information and Communications Technology ng 120 araw ang nasabing registration.
Sakaling mabigo ang isang subcriber na irehistro ang kaniyang sim ay madedeactive ito o magreretiro ang SIM number at registration.