-- Advertisements --

simcard

Hindi mapipigilan ng SIM card registration bill ang paglipana ng mga text scam sa bansa at lalong malagay pa sa panganib ang karapatan ng mga Pilipino sa privacy.

Ito ang binigyang-diin ni Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas matapos ratipikahan ng Kamara ang bicameral reports sa Sim Card Registration Bill.

Binigyang-diin ng Makabayan bloc lawmaker na ang nasabing development ay maituturing na serious threat sa poor status ang data privacy and communication sa bansa.

Inihayag pa ni Brosas na ang SIM card registration bill, na ngayon ay ipapadala na sa Office of the President para pirmahan, ay naglalagay ng isang baligtad na palagay na ang lahat ng Pilipino ay itinuturing na mga potensyal na kriminal at umiiwas sa batas maliban kung nakarehistro ang mga may hawak ng SIM card.

Wala din kasiguraduhan na kapag nirehistro ang lahat ang kanilang SIM card ay matitigil na ang mga spam message at trolls dahil sa totoong buhay, may mga malalaking tao na nakikinabang dito.

Ayon kay Brosas, lahat ng personal na impormasyon ng mga nagparehistro ng kanilang mga sim card ay ipapasa sa public telecommunications entity (PTE), na mas magiging vulnerable ang kanilang pribadong data sa cyberattacks, spam, at scam.

Ang mga natatanggap na mga spam at scam messages, mas lalo pa aniyang dadami kapag nalikom na sa isang data base kung saan nakalagay ang lahat ng personal information ng mga sim card holders.

Ngayong pa lamang hindi pa maresolba ang cyberattacks at data breach, paano na lamang kapag nasa kamay na ng PTEs ang data ng mga consumer.

Sabi ni Brosas, dapat unahin ng gobyerno ayusin ang pagpapatupad ng kasalukuyang data privacy measures.

Inihayag din ng mambabatas na ginagamit din ng mga security forces ng estado ang rehistradong personal na impormasyon ng mga kritiko para sa pagsubaybay ng estado at mga target na pag-atake.

Giit nito hindi dapat ipagkatiwala ang data sa mga security forces.

Kaya panawagan ni Brosas sa administrasyong Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas at itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino sa komunikasyon.