Silver medal ang iuuwi ng Pilipinas sa Southeast Asian (SEA) Games men’s volleyball tournament matapos talunin ng Indonesia in straight 3-sets.

Ang final score: 25-21, 27-25, 25-17 lamang ang Indonesia.

Pumuga ng puntos para sa Pilipinas sina Bryan Bagunas, Mark Espejo, Kim Malabunga at Rex Intal.

Makasaysayan ito para sa Pilipinas na huling nakapasok sa finals noong 1977 SEA Games.

Sa 1991 na edisyon naman ng regional sporting event nang huling makasungkit ng medalya ang koponan na naguwi noon ng bronze medal.