LA UNION – Kadalasan na sinasabi ng mga matatanda na ang sikreto sa mahabang buhay ay dahil sa mga natural na pagkain gaya ng mga gulay, prutas, isda, hindi gaanong kumakain ng karne, at walang bisyong paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Ngunit para sa 97-anyos na ina at lola, mas higit pa dito ang pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang mga anak.

Sa Mother’s day celebration , si Lola Saling Tirado ng Barangay Gana, Caba, La Union ang nagbahagi ng pagmamahal mula sa kanyang mga anak, at ito aniya ang kanyang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay namumuhay pa rin na masigla, malakas, at masaya sa buhay.

“Ang mga anak ko na mapagmahal sa akin ang inspirasyon ko kaya ako masigla, malakas at masaya sa buhay…” pahayag niya sa Bombo Radyo La Union.

Siya ay dating kumakanta sa “Bombo Harana, Live!” ng Bombo Radyo La Union.