Reading Time: 1 minute
Emily Hartridge
Emily Hartridge/ IG photo

Pumanaw na ang sikat na YouTube personality na si Emily Hartridge matapos masangkot sa aksidente.

Ayon sa London Metropolitan Police, lulan ng kaniyang electric scooter ng ito ay bumangga sa isang truck.

Nagsimulang sumikat si Hartridge pitong taon na ang nakakaraan dahil sa pag-post niya ng mga video tungkol sa pakikipagrelasyon, pakikipagtalik, love, gender at life.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang milyong online fans nito at maging ang ilang mga social media platforms ay nakiramay din.