Pumanaw na ang sikat na Japanese fashion designer na si Issey Miyake sa edad 84.
Inanunsiyo ito ng kaniyang kumpanya dahil sa liver cancer.
Isinagawa ng mga kaanak ang private funeral sa Japan.
Isinilang sa Hiroshima noong 1938 kung saan pitong taong gulang pa lamang siya noon ng bumbahin ng atomic bomb ng US ang nasabing lugar.
Matapos ang tatlong taon ay pumanaw ang ina dahil sa radiation exposure.
Nakilala si Miyake sa kaniyang kakaibang mga estilo at sa pabango.
Noong bata pa lamang siya ay binalak niyang maging dancer at atleta subalit ito ay nagbago ng mabasa niya ang fashion magazine ng kaniyang kapatid na babae.
Nag-aral siya ng graphic design sa Tokyo art University at lumipat sa Paris noong 1960 kung saan nagtrabaho siya sa mga kilalang fashion icon gaya nina Guy Laroche at Huber de Givenchy.
Lumipat siya sa New York bago bumalik sa tokyo noong 1970 at inilunsad ang Miyake Design Studio.
Kabilang sa mga sikat na gawa nito ay ang black turtle neck jumpers na suot ni Steve Jobs.