-- Advertisements --

Patuloy na maghahatid ng ulan sa malaking bahagi ng bansa ang habagat, kahit nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Florita.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang severe tropical storm Florita sa layong 585 km sa kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.

Patuloy itong lumalayo sa Pilipinas at tinutumbok ang Southern China sa bilis na 25 kph.

Sa ngayon, wala pang ibang bagyong umiiral sa paligid ng ating bansa.