church devotees cebu

CEBU CITY – Siniguro ng Cebu City Police Office (CCPO) ang kaligtasan ng mga turista na makikipiyesta sa nalalapit na Sinulog Festival 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay CCPO OIC-director Col. Engelbert Soriano, sinabi nito na isa sa kanilang mga hakbang ay ang ipapatupad na signal shut off kung saan mararanasan ang kawalan ng cellphone signal sa ilang lugar sa itinakdang oras.

Ipapatupad din nila ang “clear bag policy” sa ilang mga lugar sa Cebu City kung saan pinagbabawal na sa loob ang mga malalaking bag at backpack.

Dagdag pa ni Soriano na makikipagtulungan ang iba pang mga police stations sa Cebu upang maging mas mahigpit ang pinaiiral nilang security measures.

Nanawagan ito sa publiko na magtulungan upang maging ligtas at mapayapa ang tinaguriang “mother of all festivals” na isasagawa sa Enero 19.