BAGUIO CITY – Sa gitna ng mainit na protesta sa pagitan ng pamahalaan at mga residente, naglabas ng advisory ang Hong Kong officials kaugnay ng Typhoon “Wipha.”
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni International correspondent Elisa Ocden, domestic helper, na nakataas ngayong ang Signal No. 8 sa central region na New Territories.
Si Ocden ay isang overseasr Filipina worker sa Shenzhen na bahagi ng nasabing rehiyon.
Ayon sa Pinay, malakas ang ulan at hangin sa kanilang lugar pero wala pa raw silang natatanggap na anunsyo para lumikas.
Sa ngayon, naka-alerto lang daw ang mga otoridad.
Ikinababahala raw ngayon ng mga residente ang posibilidad na umakyat sa Signal No. 10 ang advisory dahil inaasahang gagalawin nito ang high rise buildings sa lugar.
Sa kabila nito, tiniyak ni Ocden na ligtas pa ang kanilang sitwasyon, gayundin ang mga nagpo-protesta mula sa sama ng panahon.