Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang) at northeastern portion ng Eastern Samar (Arteche, San Policarpo).
Bunsod ito ng papalapit na bagyong Dante, na nasa tropical storm category na.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 km sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 455 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Samantala, sa pagtaya ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) at Japan Meteorological Agency (JMA), posibleng tumama ang bagyo sa lalawigan ng Catanduanes sa darating na Hunyo 2, 2021.