Muli na namang lumakas ang bagyong Neneng habang bumagal siya sa paglapit sa kalupaan ng Pilipinas sa dulong bahagi ng Luzon.
Huling namataan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang sentro ng tropical depression sa layong 795 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin malapit sa gitna sa 55 kilometers per hour at merong pagbugso ng hangin na umaabot na sa 70 kilometers per hour.
Lalo namang bumagal ang sama ng panahon na umaabot na lamang sa 10 kilometers per hour at tinatahak ang direksiyon ng west southwestward.
Samantala, ngayong hapon lamang ay nagtaas na rin ang Pagasa ng tropical cyclone wind signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon na kinabibilangan ng lalawigan ng Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, ang eastern portion ng Apayao na kinabibilangan ng mga bayan ng Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, at ang northern portion ng lalawigan ng Isabela kasama ang mga bayan ng Santa Maria, San Pablo at Maconacon.
Kaugnay nito, binabalaan ang mga nabanggit na lugar na mararamdaman na nila ang sama ng panahon sa loob ng 36 hours.
Bukas ng umaga asahan na rin daw ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa area ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, at Ilocos Norte.
Tinataya pa ng Pagasa na ang landfall ng bagyo o dadaanan ay sa bahagi ng Babuyan Islands o kaya sa Batanes sa Linggo ng umaga o kaya sa dakong hapon.
“In the next 24 hours, the surge of the northeasterly surface windflow and the approaching tropical cyclone may also bring moderate to rough seas (1.5 to 3.5 m) over the eastern seaboards of Central and Southern Luzon. These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” bahagi ng advisory ng Pagasa. “Tropical Depression NENENG is forecast to move westward before turning west northwestward on Sunday. On the forecast track, the tropical cyclone is forecast to maintain this heading until it makes landfall or may pass very close in Babuyan Islands or Batanes on Sunday morning or afternoon. Afterwards, NENENG will move generally west northwestward and may exit the Philippine Area of Responsibility on Monday. NENENG is forecast to further intensify while moving over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by Saturday evening or Sunday early morning.”