-- Advertisements --
Itinaas na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa ilang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Kabilang sa mga lugar na ito ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), eastern portion of Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl. including their adjoining islets).
Huling namataan ang sentro ng bagyong Siony sa layong 700 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang mabagal, habang patungo sa patimog timog kanlurang direksyon.
Maliban dito, nakakaapekto rin sa Northern Luzon ang northeasterly surface windflow.