SICHUAN, China – Walang naitalang patay, ngunit inaalam na kung may iba pang pinsala ang naranasang 5.1 magnitude na lindol sa Qingbaijiang District ng Chengdu City sa Sichuan province, China.

Naitala ito kaninang hatinggabi, kung saan tumagal ang pagyanig ng 10 segundo.

Ayon sa China Earthquake Networks Center (CENC), may lalim ang epicenter na 21 kilometro.

Agad namang nag-activate ng level three emergency response ang Department of Emergency Management ng Sichuan province, matapos ang nasabing lindol.