-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang sibilyan nang bumagsak ang bala ng mortar sa gilid ng kanilang bahay nitong gabi ng linggo sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Salma Ginog Adam, residente ng Barangay Sambulawan Datu Salibo Maguindanao.
Ayon sa biktima na natutulog umano sila sa kanilang tahanan ng sunod-sunod na bumagsak ang bala ng mortar malapit sa kanilang bahay.
Maliban kay Adam may mga kapitbahay pa umano siyang nasugatan sa pagsabog.
Ang biktima ay nagpapagaling ngayon sa kanyang natamong sugat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Ngayong umaga ay mag-iimbestiga ang mga otoridad sa sunod-sunod na pagsabog sa Barangay Sambulawan sa bayan ng Datu Salibo.