-- Advertisements --
Kinansela ng singer na si Cat Stevens ang kaniyang mga show sa North America dahil sa problema sa visa.
Ayon sa Rock and Roll Hall of Fame member, na hindi na matutuloy ang kaniyang “Cat on The Road to Findout” sa darating na Oktubre 2.
Isasabay din sana nito sa show ang paglabas ng kaniyang libro.
Ilang buwang naghitay ang grupo ng singer para sa aprobal ng visa subalit hindi pa ito lumalabas.
Magsisimula sa Oktubre 2 sa Philadelphia ang show at susundan sa iba’t-ibang bahagi ng US.
Kasama rin na nakansela ang kaniyang show sa Toronto, Canada sa Oktubre 8.
Ang British singer-songwriter ay sumikat noong 1960.
Bahagyang nahinto ang career nito noong 1970 matapos na ito nagpa-convert sa Islam at bumalik sa pagkanta noong 2000.