-- Advertisements --
Nanindigan ang Germany na wala itong balak na mag-shortcut sa kanilang ginagawang paggawa ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Research Minister Anja Karliczek, kahit pa raw buong mundo ang naghihintay ng bakuna ay hindi sila magmamadali sa paggawa ng gamot lalo na at buhay ng maraming tao ang nakasasalay dito.
“We will not deviate from this line in Germany or in Europe. And I also believe that all countries should proceed in this way globally.”
Nagpaalala rin ito sa kaniyang naging pahayag noong Hulyo na hindi umano nito inaasahan na magiging available ang bakuna sa mga bansa hanggang 2021.