Patuloy ang ikinakasang imbestigasyon ng Police Regional Office IVA sa naging madugong insidente ng pamamaril sa Dasmarinas Cavite na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng apat na inibidwal kabilang na dito ang Barangay Chairman, dalawang konsehal at ang mismong gunmen sa krimen.
Agad naman na iniutos ni PRO 4A Director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang mabilis na pagkakasa ng imbestigasyon sa Dasmarins Police Office para agad na maresolba ang insidente.
Sa isang pahayag, mariing kinondena ni Lucas ang karumal-dumal na pagpatay sa tatlong biktima na pawang mga opisyal ng barangay.
Batay naman sa mga naging ulat ng PNP, nangyari ang insidente pasado 8:00am ng umaga sa isang flag ceremony sa Barangay Salitran III nang dumating ang gunman na siyang dating tanod sa barangay at nagpaputok ng baril.
Samantala, bumalik naman sa kaniyang tahanan ang biktima at doon binaril ang kaniyang sarili.
Patuloy naman na inaalam ang motibo sa pagpatay at kung may kasabwat ba ang suspek dahil sa kasalukuyan ay nawawala pa rin ang baril na ginamit ng suspek sa pamamaril.