-- Advertisements --
Umatras sa paglahok sa pulitika si Iraq Shi’ite Muslim cleric Moqtada al-Sadr.
Ilang oras matapos ang kaniyang anunsiyo ay nagsagawa ng kilos protesta ang kaniyang mga supporters.
Dahil sa mga kilos protesta ay nagpatupad ng curfew ang Iraqi army.
Pinagsabihan nila ang mga protesters na umalis na sa Green Zone para maiwasan ang kaguluhan.
Si Sadr ang nagwagi noong halalan sa Oktubre at nitong Hunyo ay pinagbitiw niya ang kaniyang mga mambabatas matapos na bigo itong makabuo ng gobyerno.
Binatikos nito ang kapwa Shi’ite political leaders dahil sa bigo ang mga ito na sumunod sa panawagan nitong reporma.
Sinuspende naman ni caretaker prime minister Mustafa al-Kadhimi ang cabinet meeting dahil sa nasabing kilos protesta.