-- Advertisements --

Tuluyang makakaapekto ang shear line o tail-end of a frontal system sa northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa southern Mindanao ay iiral naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sinabi ng state weather bureau na ang Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na rain showers at thunderstorms dahil sa shear line.

Iiral din ang kalat-kalat na rain showers at thunderstorms ang iiral sa Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Davao Region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at southern portion ng Palawan dahil sa easterlies at ITCZ.

Dahil dito, posibleng makaranas ang naturang mga lugar ng flash floods o landslides.