Hangang-hanga ang Filipino-American actor na si Reggie Lee dahil sa professionalism na ipinakita ni megastar Sharon Cuneta sa kanyang isinagawang conert sa Los Angeles.

Ibinahagi ni Lee ang picture nito kasama ang Megastar at pinuri ito sa galing ng performance nito sa kanyang concert kahit na sobrang delay na raw nagsimula ang nasabing show.

Ito ay matapos makaranas ng engine issues ang sinasakyang eroplano ni Sharon habang patungo ito ng Toronto.

Dahil dito ay wala nang nagawa ang mga fans ng mang-aawit kundi maghintay sa loob ng mahabang oras.

Si Lee ay nakilala dahil sa pagiging parte nito sa mga sikat na Hollywood movies tulad ng Pirates of the Carribean, Star Trek at The Fast and The Furious.