Nagtala ng 14 na Guinness World Records ang singer na si Shakira.
Ito ay dahil sa kaniyang kantang “BZRP Music Sessions Vol. 53” kasama ang Argentinian DJ Bizarrap.
Ang nasabing kanta ay patungkol sa pakikipaghiwalay niya sa dating asawa na si Gerard Pique.
Ilan sa mga nabasag nitong record ay ang most streamed Latin song sa Spotify sa loob ng 24 na oras at single-week timeframe.
Nakamit din ng kanta ang 14.4 milyon streams sa loob ng isang araw at 80.6 milyon streams sa loob ng isang linggo.
Nakuha rin ng nasabing kanta ang pinakamabilis na Latin songs na nakaabot ng 100 milyon views sa YouTube sa loob lamang ng 70 oras at nabasag ang record na most views sa 24 oras na mayroong 63 milyon sa loob ng isang araw sa YouTube.
Dahil rin sa kanta ay si Shakira ang naging unang babaeng vocalist na nanguna sa top 10 ng Billboard Hot 100 na may Spanish song.
Siya rin ang unang babae na napalitan ang sarili sa Number 1 sa Billboard Latin Airplay charts.
Sa nasabing kanta ay nabasag din nito ang Most Top 10 hits sa Billboard’s Hot Latin Songs at Latin Airplay charts ng isang babaeng singer.