-- Advertisements --

Idineklara ni Seychelles President Wavel Ramkalawan ang state of emergency matapos ang naganap na pagsabog sa bentahan ng mga pampasabog na ikinasawi ng ilang katao.

Dahil sa insidente ay isinara ang mga paaralan at tanging mga essential workers ang pinapasok lamang sa isla na matatagpuan sa East Africa.

Bukod pa sa pagsabog ay nakaranas din ang nasabing bansa ng matinding pag-ulan na nagresulta sa pagbaha.

Sinasabing nasa 100 katao ang sugatan dahil sa pagsabog habang mayroong 2 nasawi dahil sa matinding pagbaha.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagsabog.