-- Advertisements --
Ibinasura na ng korte sa New York ang reklamong sexual assault sa Hollywood actor na si Kevin Spacey.
Nakita kasi ng mga hurado na bigong mapatunayan ng nag-akusang si Anthony Rapp na hinawakan ng actor ang maseselang katawan nito.
Base sa kasi reklamo nito na naganap ang insidente noong 1986 noong 14-anyos pa lamang ito habang ang actor ay edad 26 sa isang apartment sa Manhattan, New York.
Base sa alegasyon nito na binuhat siya ng actor at kaniyang kinandong subalit hindi umano nito hinawakan ang nasabing maselang parte ng kaniyang katawan.
Ang 50-anyos na si Rapp ay isa ring actor na nakilala sa pelikulang “Star Trek: Discovery”.
Lumutang para magreklamo si Rapp noong 2017 kung saan humihingi rin ito ng ilang milyong damyos.