CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa umano’y sex worker sa Homewood pensionne house sa Zone 4, Barra, Opol Misamis Oriental.

Kinilala ni Opol Municipal Police station commander Major Evary Bacunawa ang suspek na si John Michael Alfeche, 25-anyos at residente sa Luyong Bonbon, Opol Misamis Oriental.

Sinabi ni Bacunawa na napatay ng suspek ang biktima na si Samera Marayan na nakatira sa Gasi, Laguindingan nitong lalawigan matapos itong hiningian ng P5,000 na bayad taliwas sa kanilang napag usapan na P1,500 lamang.

Samantala, inamin naman ni Alfeche na kanyang itinali ang babae at tinabunan ng unan ngunit wala siyang intensyon na patayin ito.

Sa katunayan pa umano may buhay pa ang biktima ng kanya itong iwan sa ika-apat na palapag ng naturang pensionne house.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek habang inihahanda ang kasong murder na isasampa laban sa kanya.