Nagpahayag ng pagka -alarma ang ilang mambabatas kaugnay sa serye ng patayan kung saan mga local govt officials ang biktima.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and safetry sa pangunguna ni Sta Rosa Rep. Dan Fernandez, tinanong nito ang PNP kung may nakalatag ng preventive measures ang pambansang pulisya ng sa gayon maiwasan na hindi na maulit ang pamamaril sa mga lokal na opisyal.
Ayon kay Rep. Fernandez, nakakadismaya din dahil kahit verified threats sa isang government official ay wala pa rin nagawa ang mga otoridad.
Inihayag ni PNP Directorate for Personnel Records and Management head Gen. Matthew Baccay na inaaral ngayon ng pambansang pulisya ang pagdaragdag sa security ng mga elected officials.
Sa pagtalakay ng ilang panukala ng House Committee on Public Order and Safety ay humingi ng update sa PNP si Laguna Rep. Dan Fernandez, chair ng komite, kung ano na ang mga hakbang na inilatag nito upang hindi na maulit ang malagim na sinapit ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon kay Baccay, batay sa naging pulong ng PNP sa league of governors at mayors kasama si DILG Sec. Benhur Abalos, napagkasunduuan na paigtingin ang operasyon laban sa mga guns-for-hire, paggamit ng iligal na mga armas at palakasin ang kampanya laban sa loose firearms.
Siniguro ng PNP na kanilang palaksin ang check points operations parikular na sa mga maituturing na hotspots lalo at papalapit na rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.
Sinabi ni Baccay, na inaaral na rin ng PNP ang posibleng pagdaragdag sa bilang ng protective security personnel (PSPs) at protective agents (PAs) na hiling din ng mga local chief executives sa pulong.
Sa kasalukuyan dalawang PSPs lamang ang pinahihintulutan kada elected official at maaaring madagdagan ng hanggang anim kung mayroon emergency at extreme cases.