-- Advertisements --
APEC

LEGAZPI CITY – Nanganganib na i-shutdown ang supply ng kuryente sa buong isla ng Rapu-rapu sa Albay dahil sa mataas na arrears.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Power and Enery Corporation (APEC) Corportate Communications Officer Lesley Capus, umaabot na sa halos P32-million ang utang ng bayan kung saan mahigit sa kalahati ng costumer ang hindi pa nakakapagbayad sa loob ng mahabang panahon.

Dahil dito umaabot sa P2-million ang pinang-aabono ng korporasyon kada buwan sa National Power Corporation (NAPOCOR) na saiyang pinagkukunan ng suply ng kuryente ng Isla.

Imbes aniya na nagagamit na ang naturang pera sa mga pangangailangan sa serbisyo ay napupunta pa sa pagkakautang ng mga costumers.

Hindi naman aniya nagkulang ang power supplier sa pagpaalala sa mga obligasyon ng mga konsumidores upang hindi magka-aberya.

Nakatalaang magtungo ang collection team sa Isla sa Mayo 10 upang makakolekta kahit 50% lamang sa halos P32 million na utang.

Umaasa naman si Capus na makikipagtulungan ang mga costumer upang hindi matuloy ang ”totally shutdown” ng power supply sa buong isla ng Rapu-Rapu.