-- Advertisements --

Itutoon na lamang ng Serbia ang kanilang atensiyon sa 2024 Paris Olympics matapos na sila ay talunin ng Germany sa finals ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Sinabi ni Aleksa Avramovic ang star player ng Serbia na nagtala ng 21 points, na bagamat masakit sa loob nila ang pagkatalo ay hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa.

Otomatiko kasi ang Serbia kasama ang Germany, Canada at USA na kuwalipikado na sa Olympics.

Halos 10 taon na ang nakakalipas ng mabigo ang Serbia ng talunin sila ng USA sa FIBA World Cup na ginanap sa Spain noong 2014.