-- Advertisements --

Nagpatupad ng tatlong araw na pagluluksa ang Serbia dahil sa naganap na mass shooting sa isang paaralan kung saan ang suspek ay isang 13-anyos na lalaki.

Sinabi ni President Aleksandar Vučić nais nilang magkaroon ng karamay ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.

Maguguntiang patay ang walong mag-aaral at isan security guard ng sila ay pagbabarilin ng 13-anyos na suspeks sa isang paaralan sa Belgrade.

Naaresto ang 13-anyos na suspek kasama ang mga magulang nito na siyang may-ari ng baril na ginamit ng suspek sa pamamaril.

Bukod sa mga nasawi ay mayroong anim na iba pa ang itinakbo sa pagamutan.

Dahil sa hindi pa umabot sa criminal responsibility na 14-anyos ang suspek ay dadalhin muna ito sa isang special psychiatric facility.

Base sa imbestigasyon na pinagplanuhang mabuti ng suspek ang insidente kung saan gumamit pa ito ng molotov bomb ng pumasok sa paaralan.