-- Advertisements --

Maagang nag-anunsyo ng class suspension ang ilang lungsod at probinsiya sa bansa para bukas, Setyembre 30.

Ito’y kaugnay ng malawakang tigil-pasada ng mga tsuper ng jeep bilang protesta sa nakaambang jeepney modernization program na gustong ipatupad ng gobyerno.

Makikiisa sa transport strike ang mga driver na miyembro ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization at PISTON.

Kabilang sa mga walang pasok sa huling araw ng Setyembre ay ang mga sumusunod:

Pasay City – all levels (public & private)
Manila – college level, including graduate schools (public & private)
Pasig City – all levels (public & private)

Pampanga – all levels (public & private)

Iloilo City – all levels (public & private)
Talisay City, Negros Occidental
Bago City, Negros Occidental
Bacolod City – all levels (public & private)

Sta. Cruz, Laguna – all levels (public & private)
Majayjay, Laguna – all levels (public & private)

(I-refresh para sa mga bagong update)

Sinasabing ipinapaubaya ng Department of Education sa mga lokal na pamahalaan ang pagsuspende sa mga klase.

Samantala, suspendido rin muna bukas ang number coding pero nilinaw ng Metro Manila Development Authority na ito ay para lamang sa mga public utility vehicles (PUVs).