-- Advertisements --

Mananatili pa rin umano ang ibayong pag-iingat ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa kabila ng paglabas ng resultang negatibo ito sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Gatchalian, mismong si Health Sec. Francisco Duque III na ang nagsabing hindi siya infected ng virus.

Una rito, sumailalim sa self quarantine ang senador matapos matuklasang positibo sa COVID-19 ang isa sa mga resource person na kaniyang nakaharap noong nakaraang linggo sa isang hearing.

“Having surpassed this, rest assured that my office will continue to function pursuant to the guidelines and protocols set on an enhanced community quarantine. There’s a lot of work to be done especially in the middle of this crisis while the number of infected cases continues to rise. We must pool our resources together to fight this dreaded virus. Hinihikayat ko po ang lahat na sumunod sa mga panuntunan na inilatag ng ating gobyerno para hindi na lumobo ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. I would like to express my heartfelt gratitude to the team of the Department of Health who facilitated the test,” wika ni Gatchalian.

Samantala, maging si Sen. Nancy Binay ay nagnegatibo na rin sa isinagawang test.

Habang si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay dadaan pa rin sa ilang pagsusuri, matapos magpositibo sa naturang virus.