roxas pnp

ROXAS CITY – Patay ang 21-anyos na senior high school student habang sugatan ang driver ng motorsiklo sa salpukan ng motorsiklo at sasakyan sa Barangay Linambasan, Jamindan, Capiz.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang napatay na driver ng motorsiklo na si Dave Gallano 20-anyos habang ginagamot sa ospital ang backrider na si Cyril de Juan, pawang mga residente ng Barangay Maantol, Jamindan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang mga biktima ng hindi inaasahang magsalpukan ang motorsiklo at sasakyan na minamaneho ni Joeffrey Lizada 56-anyos ng Barangay Jaena Norte, Jamindan, isang miyembro ng Philippine Army.

Sa impact ng banggaan ay tumilapon ang mga biktima sa kanilang motorsiklo.

Dinala sa ospital si Gallano ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala kaagad namang sumuko sa mga pulis si Lizada at nasa kostodiya na ng pulisya ang sasakyan nito.