Postponed muna ang paggawad ng pagkilala kay dating Sen. Heherson Alvarez dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Pero ayon sa liderato ng Senado, magkakaroon pa rin ng necrological service sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa buwan ng Mayo.
Matatandaang una nang iniulat ng Bombo Radyo ang pagpanaw ni Alvarez dahil sa COVID-19.
Si Alvarez ay una nang nagpositibo sa daedly virus, kasama ng kaniyang asawang si Cecile Guidote-Alvarez, ngunit kalaunan ay naka-recover ang kaniyang may-bahay.
Habang kaninang umaga ay pumanaw ang dating mambabatas sa edad na 80.
Naging minister of Agrarian Reform noong 1986, secretary of Agrarian Reform noong 1987, senador noong 1987 at kongresista noong 1998.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang ilang dati at kasalukuyang mambabatas, partikular na si Senate President Tito Sotto.