-- Advertisements --
Magdaraos muna ng all senators caucus, bago ang pormal na pagdinig ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa mga panukalang Charter change (Cha-Cha) bukas.
Ayon kay Senate committee on constitutional amendments and revision of codes chairman Sen. Francis Pangilinan, ilan sa mga kinakailangang ikonsidera ang timing ng Cha-Cha ngayong may pandemic, paraan ng magiging botohan at ang saloobin ng publiko.
Nilinaw nitong hindi sila sa komite ang may kagutushan ng ganitong panukala, ngunit obligasyon naman nilang dinggin ang mga inihahaing bills at resolutions.
Ilan sa mga imbitado bukas na nagbigay na ng katiyakan sa pagdalo ang mga sumusunod:
- Florangel Rosario Braid Ph.D.
- Father Ranhilio Aquino
- Former SC Justice Vicente Mendoza
- DILG Undersecretary Jonathan Malaya
- Atty. Christian Monsod
- Former Chief Justice Hilario Davide
- DOJ – Chief State Counsel George O. Ortha II at State Counsels Jenny A. De Castro at Aiza Riz P. Mendoza