-- Advertisements --

Bitin ang mga senador sa rekomendasyong kaso ng DoJ kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga opisyal ng PhilHealth.

Mula sa majority hanggang minority group ng mataas na kapulungan ay hindi kumbinsido na walo lang ang kailangang madiin sa isyu ng korapsyon.

Dismayado si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi masasampahan ng kaso si Health Sec. Francisco Duque III.

Matatandaang si dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales Lamang ang pinakamataas na opisyal na nakabilang sa listahan ng pinakakasuhan.

Pagbabahagi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi lubos na malilinis ang ahensya kung nananatili ang ibang sangkot sa katiwalian.

Hangad ng mga senador na hindi lamang susugan ng Office of the Ombudsman ang rekomendasyon ng DoJ task force, kundi gumawa pa ito ng mas malalim na pagsisiyasat para mas maraming mapanagot sa PhilHealth anomalies.

Samantala, limitado naman ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, lalo’t hindi pa naisasapubliko ang actual report mula sa DoJ panel na nag-imbestiga sa isyu ng PhilHealth corruptions.

Ano pa man aniyang kahantungan ng isyu, masaya sila na nagampanan ang unang hakbang para imbestigahan ang usaping ito.

Tinawag pa nitong mga “buwitre” ang mga nasa likod ng katiwalian sa PhilHealth.

“I want to read the full text of the report first so I can make a more intelligent analysis and responsive comments. That said, let me just say at the outset that obviously, the materials that we provided and shared with Sec. Guevarra and the composite task force were put into good use at the very least. This is good reason enough to feel gratified that we did our share in taking the first big step in making those criminally and administratively liable for the misuse and abuse of public monies accountable. At least, for a change, we can hope that these “vultures” will suffer for their misdeeds to satisfy their greed at the expense of the sick and the unhealthy among our countrymen,” wika ni Lacson.