-- Advertisements --
SENATOR BATO DELA ROSA

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na walang intensiyong bumalik ng Pilipinas si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at harapin ang mga kaso laban sa kaniya.

Ginawa ng Senador na siyang chairman ng Senate public order and dangerous drugs committee ang naturang reaksiyon matapos na malaman nito mula sa Department of Foreign Affairs (DFA0 na bigong makakuha ng political asylum si Teves sa Timor Leste.

Ayon pa kay Sen. Dela Rosa na hindi pa masabi kung nasa Timor Leste nga si Teves simula’t sapul o kung kahapon lamang ito dumating sa naturang bansa para humingi ng asylum.

Hindi din aniya batid ang takbo ng isip ng mambabatas.

Kinuswestyon din ng mambabatas ang paghingi ni Teves ng political asylum dahil ang maaari lamang aniyang i-grant ay sa political reasons at hindi criminal asylum.

Marahil aniya hindi ma-justify ng mambabatas ang kaniyang paghingi ng political asylum kaya ibinasura ito ng gobyerno ng Timor Leste.

Iginiit pa ng Senador na ang patuloy na pagtanggi ni Teves na bumalik sa bansa at sumuko ay nagbibigay ng negatibong impression sa taumbayan.

Matatandaan na nagsagawa ng executive session si Sen. Dela Rosa noong miyerkuuels bago ang pagbubuks ng ika-apat na public hearing ng panel sa serye ng pagpatay ng local executives.

Kung saan kabilang sa dumalo ang kampo ni degamo na pinangunahan ng naulilang asawa ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo.

Matatandaan na si Cong. Teves ang itinuturing na isa sa posibleng utak ng March 4 masscre na ikinasawi ni Negros Oriental Gov Degamo at 9 na iba pang indibidwal.