Mismong kay Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen nanumpa ang broadcaster-turned-lawmaker Senator-elect Raffy Tulfo.
Nitong nakalipas na 2022 senatorial race nakatipon ng mahigit sa 23 million votes si Tulfo para mag-No.3 sa halalan.
Sinamahan ang incoming senator ng kanyang asawa na si ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo sa Supreme Court.
Sa kanyang statement, sinabi ng bagitong senador na isusulong niya ang digitalization ng court processes para mapabilis ang resolusyon ng mga kaso sa lower courts.
Ayon kay Tulfo handa siyang makipagtulungan sa Supreme Court at sa Court Administrator upang marinig ang kanilang mga panukala ukol sa pagsasaayos ng digitization, computerization, at mabilis na kumunikasyon na isinasalang alang pa rin ang administration of justice.
Naniniwala kasi ang bagong senador na ang mahalaga na ang mga inosenteng mga bilanggo ay ma-release na kaagad sa kanilang pagkakakulong.
Dahil dito umasa siya na magkakaron pa ng mas maraming mga online at video conferencing para sa pagdinig ng mga kaso.
Naniniwala rin ang mambabatas na kailangang buhusan ng pondo ang mga pasilidad ng mga korte at mga detention facilities sa maraming lugar sa bansa.