-- Advertisements --

Tutuldukan na ng Senado ang mga isinasagawang pagdinig ukol sa nawawalang mahigit 30 sabungero.

Ayon kay Senate committee on public order chairman Sen. Ronald dela Rosa, ipauubaya na nila sa mga imbestigador ang paglikom pa ng impormasyon hinggil sa kaso, habang ang prosekusyon naman ang may hurisdiksyon sa pagpapatibay sa asunto.

Sinabi ni Dela Rosa na sila naman sa Senado ay nagsagawa lamang ng legislative inquiry, upang makalikha ng batas at rekomendasyon, para sa maprotektahan ang mga tao at magkaroon ng mas maayos na sistema sa sabong at iba pang aktibidad na pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan.

Nangako naman itong patuloy nilang susubaybayan ang isyu, upang hindi mauwi sa wala ang hinahangad na hustisya para sa mahigit 30 nawawalang sabungero at iba pang may kaugnayan sa nasabing usapin.