Sinampahan ng kasong kriminal ang senate secretary si Atty Myra Marie Villarica ngayon hapon.

Kasong Falsification of Public Document ang isinampa ng complainant na nagpakilalang mga Concerned Employees of the Senate.

Sa pitong pahinang reklamo, hiniling ng mga complanant na imbestigahan ang umano’y falsification of public document laban sa akusado.

Inaakusahan si Villarica ng tampering o binago umano ang minutes sa journal hinggil sa talakayan sa Senado hinggil sa ipinapasang batas.

Para sa mga complainant ang journal ay official written na record ng lahat ng kaganapan sa loob ng senado at may katapat na kaparusahan ang magbago dito.

-- Advertisement --