-- Advertisements --

Muling naungkat ang mga katiwalian sa PhilHealth sa pagsisimula ng imbestigasyon sa Senado ngayong araw.

Mismong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nanguna sa hearing, dahil ito ay committee of the whole probe.

Personal ding dumalo si Sen. Panfilo Lacson, habang ang ibang mambabatas ay sumali lamang via video conferencing.

Sa pagtatanong ni Lacson, inungkat nito kay PhilHealth President Ricardo Morales ang mga kontrobersiya na hindi nasosolusyunan ng opisyal.

Kabilang na rito ang isyu ng korapsyon sa IT project na sa simula pa lang ay nakitaan na ng mga kwestyonableng proseso ng ibang tauhan ng ahensya.

Samantala, pinangalanan pa ni Lacson ang ilang inuugnay sa katiwalian na sina senior vice president for legal Rodolfo del Rosario, na pumirma sa pag-upa ng gusaling pag-aari ng pamilya ni Health Sec. Francisco Duque III.

Ganun din si senior vice president for health Dr. Israel Fargas na nagbulag-bulagan umano sa “all case rate payment system.”

Maging si senior vice president for management Dennis Mas na idinadawit naman sa fake receipt scam sa POEA, kung saan nakasuhan na ito sa Office of the Ombudsman.