Tiniyak ng Senate committee on public order and dangerous drugs na kanilang babantayan ang kapakanan ng mga testigo sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
Ito’y kahit tinapos na ng lupon ang imbestigasyon, upang bigyang daan ang hakbang ng pulisya at prosekusyon sa paglikom ng iba pang impormasyon sa abduction issues.
Kasabay nito, nagbabala naman si panel chairman Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga nanumpa sa hearing at magbabago ng kanilang mga statement, na maaaring maharap ang mga ito sa malaking problema.
Kasunod ito ng umano’y pag-iiba ng direksyon ng testimonya ng magkapatid na NBI inmates na sina Nicholas at Nicasio Manio na unang tinukoy bilang police assets at may alam din umano sa pagkawala ng sabungerong si Johnver Francisco.
Humarap din sa hearing ang common law wife ni Francisco na si Christy Ladao at dismayado ito sa pagbaliktad ng statement ng dalawang posible sanang testigo.
Hanggang sa ngayon ay wala pang linaw kung saan napunta ang mga nawawalang sabungero.