Inanunsyo ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, na magsasagawa sila ng mga pagdinig sa mga nakabinbing franchise bill, kahit hindi pa natatapos sa House of Representatives.

Kabilang sa mga bill na ito ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation, na may kinakaharap ding quo warranto petition sa Korte Suprema.

Gayunman, hihintayin pa rin umano nila ang version ng Kamara bago isasapubliko ang mabubuong committee report.

Giit ng senadora, ginagawa naman talaga ang sabay na pagdinig ng dalawang kapulungan ng Kongreso, kagaya sa proposed national budget at taxes.