-- Advertisements --
Maglalabas pa rin ng kanilang panel report ang Senate committee on public order and dangerous drugs, kahit ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang E-Sabong operations.
Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, bilang chairman ng nag-imbestigang lupon, tumutok lamang sila sa mga nawawalang sabungero, habang kaunting oras lang ang nailaan sa mismong E-Sabong operation issue.
Ito raw kasi ay tungkulin na ng executive branch ng gobyerno.
Pero para sa mga mambabatas, malaking bagay ang pagpapahinto sa online sabong upang hindi na malulong pa ang marami sa ganitong uri ng sugal.