Kasunod ng pananalasa ng ilang bagyo sa bansa, nagpahayag si Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara na bukas ang mga ito sa pag-adjust para sa calamity aids sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.
Ang calamity fund budget ay tinatayang nasa P30 billion na mas malaki sa mga nakaraang mga taon.
Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng pinsala ng mga bagyong dumaan sa bansa.
Sinabi ni Angara na base sa committee report para sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) nasa P5.268 trillion ang proposed national budget para sa susunod na taon.
Noong October 24, ipinasa na ng House of Representatives ang kopya ng 2023 General Appropriations Bill na inaprubahan ng lower chamber.
Noong buwan ng Setyembre, sinertepikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na urgent ang pagpasa sa 2023 General Appropriations Bill.
Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno kasunod na rin ng pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year.
Layon din nitong mapalakas ang pagsisikpa ng pamahalaan na matugunan ang problemang dulot ng Coronaviruis disease 2019 (COVID-19) pandemic at masuportahan ang mga inisyatiba para sa national economic recovery.